Saturday, March 7, 2009

There's Always A First Time for Everything

Dahil nagiging boring na at BAKASYON mode na nga ako... ayun tumunganga ulit ako ng mga 15 seconds at nag-isip... Aha! I need to try something new today! Yes yes!!! Actually, palusot ko lang yan sa sarili ko para makalabas ngayong araw... FYI, exam week na next week at finals week the week after next... At dahil nga tinatamad akong mag-aral dito sa dorm/pseudo-home/apartment, e lumabas na lang ako para mag-aral tulad ng nakagawian ko noong ako'y bata bata pa... :P syempre saan pa? Coffee shop.. okay what's new? WALA.. hahahaha... o well.. hindi naman yun ang issue... magastos kasi.. toiks! I need to save money for our Cebu trip na medyo matagal tagal ko na ring inaantay... pero WALA AKONG PAKE!!! BORED NGA AKO E... hmmmp! ayokong ideprive ang sarili ko.. baka marepress ako at hindi ako mag-move on sa next stage ng aking human life cycle.. kung wala akong maibayad for accomodation sa Cebu, mamamalimos ako.. problema mo?! hehehehe And since natataon na rin na almost 3 months na rin akong hindi nakakadalaw sa kung saang Starbucks e namiss ko na rin kahit papano..

Okay.. so i tried for the first time ever ang Strawberries and Cream Blended Cream (or some spelled it as Creme) Frapuccino... redundant.. ewan ko kung tama ba yan.. wala na rin akong pake.. wala naman akong balak magpakabarista dito to brag that I can say out loud and clearly phrases like "TALL MULATTO MOCHA FRAPPUCCINNO NOT-SO-SURE-WHICH-LETTER-SHOULD-BE-DOUBLED BLENDED COFFEE, EXTRA HOT, WITHOUT WHIP, WITH SIX-PACK ABS FOR CHURVALOO!!!" *in musical notes*.. anyway, to document my first Starbucks version of Super Duper Mega Ultra Rich Strawberry Milk Shake... here is the picture.. in venti size + 750kcal + 9 g of saturated fats + 60 mg of cholesterol + 440mg of sodium... super rich nga.. anyway.. naubos.. so what?! Okay naman sya.. lasang strawberry... lol.. actually, i enjoyed it... basta... sorry na lang im not a food critic... wala rin akong masyadong alam na adjectives... so ano na lang.. para kang pumuntang Baguio.. ganun na lang.. peace! *at dahil ayaw magtransfer ng pics from my phone to pc... i just grabbed something from the internet... para naman feel mo ang Baguio*... i named my drink Marcelo.. to honor one of my favorite teachers in Pharmacology Doc Mac.. hehehehe.. o well.. alam mo na siguro kung ano ang inaral ko while i'm enjoying my drink.. :P




Next stop is Kenny Roger's Roasters... dahil ang 750kcal na milk shake ay nakakagutom din pala after 5 hours... naisipan kong kumain... and my choice? Pesto, Mozarella cheese, and Tomato Grilled Sandwich... Vegetarian kuno! The sandwich is not so complicated but nag-enjoy ulit ako :D lalo na nung may nakita akong HOT Sauce at nilagay ko sa fries ko... masarap pala with tomato ketchup of course! :D Grabe.. na-stimulate ata lahat ng pain receptors ko sa dila... o well.. sadista talaga ako... *spank spank* hahahaha

After eating my sandwich.. naisip ko... may kulang pa... i want something sweet.. i remembered my friend Kaji/malling buddy/walking buddy.. dahil umuwi na sya sa Baguio for good and dunno when ko ulit sya makikita *sob sob*... i decided to try Breadtalk's Green Tea *something something* cake dahil fave nya yun... pero pag punta ko dun, wala... N/A.. nada... *sad* pero sabi nung isang cake sakin... "Don't worry.. im still here pa naman..."... ang sweet no??? eto sya..





He is named as Mango Furomaji... Nanlaki ang mata ko sa kanya.. kasi.. ang cute.. i mean.. san ka ba makakakita ng cake na naka-smile at mango flavored pa??! dahil sa cute nga sya... hindi ko pa sya kinakain... nasa ref sya ngayon at malamang nakikipagfriends sya sa mga tira-tira naming ulam dun... pati na rin si apple at si yogurt... hmmm... baka nagpaparty na sila dun.. hay... Mango Furomaji is inviting good vibes... hehehehehe I'm reserving Mr. Furomaji for my niece tomorrow.. since i had more than enough of my daily recommended allowance for saturated fats and cholesterol sa kanya na lang :D pareho silang kyuuuuuuuut!!!! :D




This is my pamangkin... cute no?? :D








Photo credit : www.rarelyordered.com for mister furomaji

Sunday, February 22, 2009

Textmate anyone???


"Hi! txtmate pls"
"Where did you get my number?"

"uh.. lucky guess :P"

Panahon pa ni kopong-kopong ang textmate... at inaamin ko sa kaibuturan ng aking puson, pinatos ko ito nung bata pa ako gamit ang aking first ever cellphone... i was 13, 1st year HS.. yes.. bata pa yun... eto ang itsura ng una akong cp... since ang snake ng nokia 3210 ay para lang sa mga anak ni Robina, eto lang ang nakayanan ng aking budget...
Pero wag mo tong ismolin... may mga unique features to like biorhythm (ang digital Madam Auring!) at built in emoticons... shortcut kung baga...

Anyway, bakit ko ba naisipang magblog ng tungkol dito... Dahil naisip ko, bumabalik na naman ang trend! Dahil nagiging competitive na naman ang telecom world, nagiging cheaper at mas abot kamay na sa masa ang magkaron ng regular cp load... sa halagang 10 piso lang, you can already connect!!! isa sa mga pinakacheapangga na mga cp networks ay Sun, Red at TM... tttttxt ting!!!
At confirmed nga!!! yes yes yes.... bumabalik nga ang trend.. dahil para sa isang subscriber ng Sun cellular prepaid.. ako'y nabibiktima ulit... pero dahil hindi na ko bata, nakakatamad nang patusin ang mga taong gustong makipag-txtmate sau...Maniwala kau.. madami sila!!! Hindi ko alam kung sadyang madali ba talagang makuha ang number ko... (naiisipan ko ngang itaya na sa lotto.. baka sakaling swerte nga! harharhar) Pero dahil ngayon ay Linggo.. at may B.S. ako (according to Dionne)... pinatos ko ang isang anonymous number na naligaw...

Anonymous : Hi!
Mimi : Hello! May I know who's this?
Anonymous : Hi im riez mae.u?
Mimi : Girl, sory d kta kilala...
Anonymous : Ahm... Gan0n pwd makipagkaibigan plz'
Mimi : Bkt po? Girl dn ak..
Anonymous : En0 ngay0n. . . Masama bng makipag fwnd.
Mimi : *di na nagreply.. hello??!!*
Anonymous : Maniwla ka sa hindi actually gawa2x q lng 2ng # m0 d p akalain na may ari pala ang # na 2.
Mimi : *deadma ulit... actually, kung lalaki to.. baka pinatulan ko pa hahahaha*
Anonymous : So cn i kn0w ur nem?
Mimi : *my nem??? uh.. i realized.. kahit lalaki ka pa, di kita papatulan*
Anonymous : Wui.cge naman n0h.

*** at hindi na sya nagtxt ulit

eto nga pala number nya.. baka sakaling interesado ka...
0 9 2 3 3 0 2 2 6 8 9
Sorry girl.. badtrip lang ako at may B. Syndrome sa kasalukuyan... pasensya..

:D :D :D

Tuesday, February 3, 2009

not really a great day

walang pinagkaiba sa nakasanayan...

nagsimula ang araw ko: LRT1 --> LRT2 --> school
pero kahit parepareho sila everyday.. *most of the time.. except na nga lang.. na magbrownout o may emergency na nangyari at biglang maudlot ang operasyon ng LRT* ... hindi pa rin ganun kaboring dahil---wala namang dahilan para mabore! maganda ang mundo.. maraming interesting na tao, lugar, bagay, etc...

dahil malikot ang utak ko... *ahem... o well.. at least ginagamit ang utak* nag-observe observe na naman ako sa mga tao sa LRT.. actually, kahit hindi na ko mag-effort pa e kusa silang pumapasok sa utak ko.. like..

Ano naman kayang iniisip ng taong to at nagpatugtog ng cellphone nya ng music... take note.. naka LOUD speaker???
Nakakagulat ng marinig ko ang mga salitang "Love me for what I am, for simply being me..." ... yes yes.. isang oldie... nairita ako nung una.. buti pinalitan nya... naging... "Bakit di pagbigyan mula ang ating pagmamahalan?" Dun sa pangalawang kanta.. actually, natuwa ako... hahahahaha pano ba naman.. okay naman pala... na-LSS nga ako til sa pagpasok ko para sa pathology lab... at ngayon, balak kong magdownload sa Limewire.

Yung high school girl na katapat ko sa upuan
Busy sya sa pag-ayos ng pera nya.. weird nga e... yung barya nya.. nakalagay sa isang papel na tiniklop para makagawa ng bulsa... yung bill nya na 50 pesos, sinisingit nya sa pagitan ng cellphone nya *di ko talaga alam kung cellphone ba yun o kung anong gadget* at dun sa rubbery thing *you know yung pang'protect' ng gadgets.. yung uso ngayon*... yung bag nya at medyas nya uncoordinated sa uniform nya... bukod pa dun.. eyecatching kasi.. tsk tsk.. kaya nga napansin ko... ayoko nang magcomment pa... bad ko!

***
this day is not so great at all... lumabas ang result ng 5th long exam sa patho.. ewan ko kung papasa ba... hindi pa kasi binibigay ang MPL.. bukod dun.. nadedepress ako dahil naalala ko na naman ang past ko... *ibang kwento na yun*... bakit ba hindi ko sya malimutan?

im sad.. so sad.. and empty... i know this will fade din... gustong kong isisi sa ibang bagay.. sige.. im blaming the song... or part lang to ng monthly mood swings ng mga babae??? at least alam kong babae ako... hay...
Lord, help me po... :`(

*** disclaimer: walang kinalaman ang song sa naging karanasan ko, etc... sad lang talaga yung song.. ewan ko kung bakit tinamaan ako... parang movie lang yan e... hindi naman kelangang naranasan mo para maiyak ka diba? bakit ako defensive??!***

Monday, February 2, 2009

Food and Online Shopping

oo nakakaadik sila...

***
oh.. happy birthday kuya!
***

im bored and tired.. all i wanna do is to eat *oink*.. and browse online to shop.. kahit limited lang ang budget... hihihihihi

i have to stop...

kasi meron akong dapat gawin...

hindi ako pinag-aaral ng mga magulang ko para maging ganto..

sige titigil na ko...

promise (?)

^__^

magiging responsableng estudyante na ko... i'll try :P

Sunday, February 1, 2009

First time

Bored na naman ako.. nakaisip na naman ako ng bagong mapag-aaksayahan ng panahon.. sige fine.. online blogging.. ewan ko ba.. meron na naman akong account sa friendster, at sa multiply.. pero naisipan ko pa ring manggulo dito... siguro dahil yun nga... bored ako... or sad ako.. or sad and bored ako.. hay...

anyway, ayoko mag- emo.. damn!

ang panget ng aura ko... baka mahawa ka lang... tsk tsk

o sige dahil bago ako dito... at hindi ko alam kung may mga makakabasa ba nito.. intro na lang ako tungkol sa sarili.. at kung sakali rin na maaksidente ako at mawalan ng memory tulad ng mga napapanood ko sa TV, at least may "soft copy" ako ng memory ko na pwede kong balikan para makabalik sa aking ulirat!

Dahil tinatamad ako, eto na lang:
mimi
med student
in white uniform
soon in scrubs
mahilig sa chocolates
mahilig kumain
mahilig magpicture
vain
hindi maarte pero maarte
mataray daw
mataray nga!
wala akong pake
kahit mag-agree ka
maikli attention span
minsan masipag
minsan hindi
mataas ang pangarap
bukas luluhod ang mga tala
galit sa mga feeling
galit sa mga bolero
galit sa mga babaero
pero kung cute, pwede na.. hahahaha
magulo ang utak
busog sa kasalukuyan
nag-eenjoy sa ginagawang enumeration na walang kwenta
naiirita sa kalsada ng Manila
gustong mag-around the world
actually, pangarap nya yun
at pag mayaman na sya gagawin nya talaga yun!
natutuwa sa kasiyahang nadudulot ng internet
dahil sa internet.. nandun na lahat!
kumpletos recados kung baga
ah! gusto nga pala nyang matuto ng Spanish
no intiendo! no intiendo!
Yo soy mimi! Y tu??!
pero napag-iisip din sya dahil ang Tagalog nga at English hindi nya maperfect... ibang linggwahe pa kaya?
pero love pa rin ang Spanish
dahil gusto nyang makatikim ng hot choco sa Spain! at beer! yung masarap na beer!
kahit hindi sya mahilig uminom!
isang taga-Laguna
mahal ang Laguna
dahil sa Laguna, ang mga pulubi naliligo at malinis
sana hindi pa ko nagmumukang loka-loka dito.. hahahaha
praying na sana okay ang araw ko bukas...

Lord please.. i need peace of mind...

Labo... uwian na!