Sunday, February 22, 2009

Textmate anyone???


"Hi! txtmate pls"
"Where did you get my number?"

"uh.. lucky guess :P"

Panahon pa ni kopong-kopong ang textmate... at inaamin ko sa kaibuturan ng aking puson, pinatos ko ito nung bata pa ako gamit ang aking first ever cellphone... i was 13, 1st year HS.. yes.. bata pa yun... eto ang itsura ng una akong cp... since ang snake ng nokia 3210 ay para lang sa mga anak ni Robina, eto lang ang nakayanan ng aking budget...
Pero wag mo tong ismolin... may mga unique features to like biorhythm (ang digital Madam Auring!) at built in emoticons... shortcut kung baga...

Anyway, bakit ko ba naisipang magblog ng tungkol dito... Dahil naisip ko, bumabalik na naman ang trend! Dahil nagiging competitive na naman ang telecom world, nagiging cheaper at mas abot kamay na sa masa ang magkaron ng regular cp load... sa halagang 10 piso lang, you can already connect!!! isa sa mga pinakacheapangga na mga cp networks ay Sun, Red at TM... tttttxt ting!!!
At confirmed nga!!! yes yes yes.... bumabalik nga ang trend.. dahil para sa isang subscriber ng Sun cellular prepaid.. ako'y nabibiktima ulit... pero dahil hindi na ko bata, nakakatamad nang patusin ang mga taong gustong makipag-txtmate sau...Maniwala kau.. madami sila!!! Hindi ko alam kung sadyang madali ba talagang makuha ang number ko... (naiisipan ko ngang itaya na sa lotto.. baka sakaling swerte nga! harharhar) Pero dahil ngayon ay Linggo.. at may B.S. ako (according to Dionne)... pinatos ko ang isang anonymous number na naligaw...

Anonymous : Hi!
Mimi : Hello! May I know who's this?
Anonymous : Hi im riez mae.u?
Mimi : Girl, sory d kta kilala...
Anonymous : Ahm... Gan0n pwd makipagkaibigan plz'
Mimi : Bkt po? Girl dn ak..
Anonymous : En0 ngay0n. . . Masama bng makipag fwnd.
Mimi : *di na nagreply.. hello??!!*
Anonymous : Maniwla ka sa hindi actually gawa2x q lng 2ng # m0 d p akalain na may ari pala ang # na 2.
Mimi : *deadma ulit... actually, kung lalaki to.. baka pinatulan ko pa hahahaha*
Anonymous : So cn i kn0w ur nem?
Mimi : *my nem??? uh.. i realized.. kahit lalaki ka pa, di kita papatulan*
Anonymous : Wui.cge naman n0h.

*** at hindi na sya nagtxt ulit

eto nga pala number nya.. baka sakaling interesado ka...
0 9 2 3 3 0 2 2 6 8 9
Sorry girl.. badtrip lang ako at may B. Syndrome sa kasalukuyan... pasensya..

:D :D :D

1 comment:

  1. hi! thanks for following me :) in return follower mo na rin ako.

    speaking of cellphones..ako naku! isang umagang-umaga nag ring phone ko..pero number lang, thinking it's important I got up and answered the phone..sabay sabi.."pwede makipagkaibigan?"...gusto ko himatayin sa inis!

    ReplyDelete